4 mangingisda nawawala sa Pangasinan

PINAGHAHANAP ngayon ang apat na mangingisda na nawala makaraang mabangga ang sinasakyang bangka sa isang Chinese vessel sa Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  (NDRRMC), bumangga ang “AXL John” sa isang Chinese vessel habang pumapalaot ito.

Nakilala ang mga nawawalang mangingisda na sina  Fred Celino, Arnold Garcia,  Domy delos Santos, Amante Resonable.

Samantala, nakilala naman ang mga nakaligtas na sina  Edimio Balmores, Herman Balmores, Celino Damian, at isang Christopher alays “Udo” na agad na dinala sa  Gabriela Silang General Hospital sa  Vigan City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply