4 patay sa dengue sa General Santos City

APAT ang naitalang namatay dahil sa dengue sa General Santos City simula nitong Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.

Ayon sa City Health Office ng General Santos City, umabot sa 146 ang naitala nilang kaso ng mapanganib na sakit sa 26 na barangay sa loob ng limang buwan.

Gayunman, ayon pa rin City Health Office, bumaba pa ang kaso ng dengue sa buong lungsod kung ikukumpara sa nakalipas na taon at noong 2010.

Ang pinakamaraming kaso ng dengue ay naitala sa Barangay Labangal na may 24 na kaso, 3 ang patay. Sinundan ito ng Barangay San Isidro na umabot sa 21 ang kaso, Barangay Calumpang 19 ang kaso, Barangay City heights 11 kaso, Barangay Apopong 11 kaso at Barangay Mabuhay na may 10 kaso habang isa naman ang namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply