4 pulis inambus, 2 patay sa Davao del Sur

APAT na miyembro ng Philippine National Police ang inambus sa Sitio Maklak, Kimlawis, Kiblawan, Davao Del Sur ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army na ikinasawi ng dalawang katao .

Sa report na nakalap ng military, bandang alas 4 kamakalawa ng hapon isinagawa ng pangkat ng Daquil Capion bandit group ang pananambang sa Barangay Kimlawis.

Dead on the spot si PO1 Roy Tunso, habang kahapon naman ng umaga nalagutan ng hininga si Ret. Police Supt Villamino Hectin, security consultant ng SMI.

Ilang empty shell mula sa ibat ibang kalibreng baril ang nasamsam sa isinagawang clearing operation ng military habang agad din nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Joint task Force  Kitaco  na pinamumunuan ni Cpt. Gumbala at  Bravo Company ng Army 27 Infantry Battalion na  pinamumunuan ni 1Lt. Jimenez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply