4 sasakyan nagkarambola sa Shaw Boulevard

MASUWERTENG walang naiulat na nasaktan makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa  kabahaan ng Shaw Boulevard sa Maynila.

Base sa pahayag ng mga nakasaksi, bumangga sa center island ng kalsada ang trailer truck at naipit naman ang isang Mitsubishi Adventure sa kaliwang bahagi nito.

Bago pa sumalpok sa center island ang naturang trak, nabundol nito ang isang taxi na nakabangga rin ng multicab sa harap nito.

Ayon naman sa pahayag ng driver ng trak na si Renati Mulao, isang security guard ng isang subdivision sa Barangay San Antonio, Pasig ang nagmando umano sa trapiko.

“Nagpapalabas siya ng isang sasakyan mula sa subdivision. Hindi ko ito agad nakita. Pagpreno ko, hindi nakayanan nung truck dahil madulas’ yung daan hanggang sa bumangga na sa center island,” ayon kay Mulao.

Kakasuhan ng wreckless driving ang nasabing drayber.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply