4 siyudad babahain sa pag-apaw ng La Mesa Dam

POSIBLENG bahain ang mga lugar ng Fairview, Quezon City, Valenzuela City, Malabon City at Navotas kapag umapaw ang La Mesa Dam sa QC.

Ayon kay Teddy Angeles, Plant Manager ng La Mesa Dam posibleng bahain ang mga naturang lugar kapag umapaw ang tubig sa naturang dam.

Sa isang interbyu kaninang umaga, ng isang himpilan ng telebisyon sinabi ni Angeles na patuloy pa rin na nakataas sa red alert status ang La Mesa Dam dahil sa posibleng pag-apaw ng tubig nito bunga ng sunod-sunod na pagbuhos ng ulan.

Itinanggi din ni Angeles na nagpapakawala sila ng tubig sa La Mesa Dam, subalit sinabi nito na nagkakaroon lamang ng pag-apaw ang naturang dam kapag ang matagal na pagbuhos ng ulan tulad ng naganap noong pagbayo ng bagyong Undoy.

Pinaalalahanan din nito na mahigpit nilang binabantayan ang La Mesa Dam lalo ngayon may isa pang bagyong parating sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply