4 tinarakan ng mga durugista

AGAW buhay sa ospital ang isang binata, habang tatlo pa ang sugatan, makaraang pagtripan ng apat na lalaki na pawang mga lasing at pinaniniwalaang sabog sa droga habang naglalalakad, kaninang madaling araw sa Barangay 20, Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Ilustre Mendoza, hepe ng SS-2, Caloocan Police Station ang kritikal na si Ernie Jacar habang sugatan sina Joko Inderio, Dan Lapitan at Jomar Burinaga, pawang nasa hustong gulang at residente ng Block 12, Tamban St., Barangay 18 ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jefferson Alejandro, Remar Mangquil, alyas ‘Alvin’ at ‘Maning’, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Barangay 20, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang pananaksak sa mga biktima sa may Talakitok St., Brgy. 20 ng naturang lungsod.

Lumitaw sa report na ang mga biktima ay naglalakad sa Talakitok St. at patungo ng Orkana nang mapadaan sa grupo ng mga suspek na nag-iinuman sa kalye.

Nagulat na lang ang mga biktima ng bigla silang harangin at pagsasaksakin at saka mabilis na tumakas.

Si Jacar ay kritikal sa Philippine General Hospital, dahil sa tama ng mga saksak sa leeg at mukha, habang sina Dan Lapitan na may tama ng saksak sa braso, Jomar Burinaga, may saksak sa likod at dibdib at Joko Inderio na may saksak din sa leeg ay inooperahan sa Diosdado Hospital.

Napag-alaman pa na ang suspek na si Jefferson Alejandro ay notoryus sa kanilang lugar, dahil sa mga kinasasangkutang mga kaso at ang nitong pinakahuling linggo ay may sinaksak sa harap ng Barangay Hall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply