40-hour devotion inihanda para sa kapayapaan sa Panatag Shoal

MAGDARAOS ng 40-oras na debosyon ang Simbahang Katolika para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga bansa sa Asya na nagkakaroon ng sigalot dahil sa pag-aagawan sa Scarborough Shoal o Panatag Island.

Kaugnay nito, hinimok ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya na makiisa sa naturang debosyon dahil malaki aniya ang maitutulong ng panalangin para magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo.

Partikular na tinukoy ni Villegas ang pagkaresolba sa sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa Scarborough Shoal.

“A world at prayer is a world at peace,” pahayag pa ni Villegas sa ipinalabas nitong Circular 2012-19 na may petsang Hunyo 8, 2012.

Ang naturang 40-hour devotion ay idaraos sa Annunciation of the Lord Parish sa Bonuan Gueset, Dagupan City simula ng 12 ng hatinggabi ng Hunyo 15, Solemnity of the Sacred heart of Jesus, hanggang alas-4:00 ng hapon ng Hunyo 16, Memorial of the Immaculate Heart of Mary.

“Let us consecrate our nation to the Sacred of Jesus and entrust our people to the Immaculate Heart of Mary on these truly grace-filled days,” ani Villegas sa circular.

Magpapalit-palitan umano ang mga parishioner at seminarians sa pagbi-vigil sa Blessed Sacrament.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply