41 bangko nagsara, solon naalarma

IKINAALARMA ngayon ng isang mambabatas ang balitang may 41 bangko ang nagsara sa bansa sa loob lamang ng 18 buwan at umabot sa 547,000 depositors ang naghahabol ngayon ng deposito.

Ito ang nagtulak kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na paimbestigahan ito sa Kamara lalo pa at umabot sa 2,000 empleado ang nawalan ng trabaho.

“We have to ascertain whether existing laws are adequate to discourage unsafe, unsound and fraudulent banking practices, protect depositors, promote savings, support responsible credit, and reinforce public confidence in the (banking) industry,” ayon kay Ty, miembro ng House committee on banks and financial intermediaries.

Kasabay nito, kinalampag ni Ty ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tumulong upang makahanap ng trabaho ang My 2,000 dislocated staff ng may 220 sangay ng bangko.

“The DOLE and the Bankers Association of the Philippines should find ways to absorb the displaced personnel in the new branches being put by the bigger universal and commercial banks that continue to expand,” panawagan ni Ty.

Sa ngayon, ayon kay Ty ay sinisimulan na ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) ang pagbabayad sa depositors ng Export and Industry Bank na ipinasara ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong April 27.

Ang nasabing bangko na may 50 branch sa bansa ay isa sa tatlong malalaking bangko na ipinasara ng BSP dahil sa “severe liquidity issues and their inability to service withdrawals.”
Ang dalawang malaking bangko na naipasara na rin ang  20-branch ng LBC Development Bank at 62-branch ng Banco Filipino Savings and Mortgage Bank.

Naunang naghain na ng House Resolution 1749 si Ty na nananawagan ng imbestigasyon kung paano at bakit nalugi ang LBC.

Giit nito na dapat masiyasat ng PDIC ang mga opisyal ng LBC at alamin kung nagkaroon dito ng sabwatan o paglabag.

Ang may 41 bangko na naipasara ng BSP sa nakalipas na 18 buwan ay bukod pa sa mga naunang 32 rural banks na naipasara noong 2010.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply