41 studes nalason sa tuba-tuba sa Bohol

TINATAYANG 41 estudyante ng Totolan Elementary School sa Dauis, Bohol ang nalason makaraang kumain ng bunga ng jatropha o tuba-tuba.

Nabatid na napagkamalan umanong mani ng mga mag-aaral (nasa Grade I hanggang Grade IV) na karamihan ay Badjao ang tuba-tuba na tinatawag din nilang ‘mani-mani’ malapit sa eskwelahan.

Sa ulat, bandang alas-2:30 kahapon ng hapon, nasa kalagitnaan ng klase ang mga bata nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagdudumi at pagsusuka.

Agad namang isinugod sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital ang mga estudyante na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply