4PS na P3,000 naging P300; P5 toll sa Taguig; at plastik

HAYAAN naman natin ang ating mga mambabasa na ihayag ang kanilang mga kaisipan, damdamin, sumbong at paninindigan.

Heto po sila.

Fan ni Pacman

Good am, sir. Sobra na ‘yang mga anti-Pacman na ‘yan. Ang boksing ay trabaho. Kaya wala kayong pakialam kung gawin man niyang gatasan ang pagboboksing. Si Pacman ay may nagawa nang pangalan sa buong mundo, hindi lang sa Pilipinas. Eh, sila kaya? Ang amin lang, hayaan natin siya sa desisyon niya kasi hindi naman siya robot, tao lang din siya! Onin ng Bicol! Salamat po. +6392355….

Kongresman ayaw sa SALN

Ka Benny. Tungkol po ito sa SALN ng mga Congressman. Noong nagsalita si Cong. Ben Evardone, ng Eastern Samar, na tutol sya sa pagdedeklara ng SALN sa ngayon dahil baka raw gamitin ng kalaban sa pulitika laban sa kanila. ‘Yun nga ba ang kinatatakot niya o ayaw lang niyang mabuking sa sobra niyang pangongorap simula pa noong gobernador sya? Kulang na lang na ibenta niya ang mga tao pag wala nang makuha. Utak pa siya nang mga iligal na minahan sa nasasakupan niya. Kawawa naman kami. May gana pang humarap sa media, kapal muks! Pls po, ‘wag niyo pong i-display ang number ko. From: O.E.S. +63927483….

P5 toll sa Taguig

Good am po, sir. Reklamo ko lang po yung TBICAI rito sa Bagumbayan, Taguig. Homeowners po kami sa loob ng compound ng TBICAI.  Naniningil po sila ng P5 pag dumaraan kami. Ayaw po nila kaming pagbilhan ng sticker, kasi po malaki ang kita nila sa amin daily. Eh, 10 times po kaming dumaraan kaya P50 agad ang nawawala sa amin. Concerned citizen po ng Taguig.  +63921847….

Manhole ng PLDT

Idol pakikalampag naman yung PLDT. Sobrang lalim nu’ng mga manhole nila rito sa Zabarte road hanggang sa Almar sa Caloocan. Delikado sa mga nagmomotor. +63999492….

Si Atyani

Good pm sir, hindi ba nahahalata ng government natin na Al Qaida naman talaga ang nagbibigay ng mga high powered firearm sa Abu Sayyaf! Alam yan ng mga nasa gobyerno. Mas mataas pa nga ang kalibre ng mga firearm ng mga Abu Sayyaf kaysa sa mga nasa Armed Forces natin. Alam natin lahat yan, wag nang magtanong ang mga alipores ng gobyerno at walang masama na mangyayari  kay Atyani dahil hindi kayang patayin  ng mga Muslim ang kapwa  nila Muslim, lalo na ang galing sa bansang sumusuporta sa kanila. Hindi pa nakaaalis si Atyani sa bansa nila tapos na ang usapan nila. Kaya ‘wag ng mag-drama at mag-panic ang mga nasa gobyerno. Lumaki ako sa Muslim area, may alam ako rito pero hindi ako Muslim. Johairah, concerned citizen po.  +63920287….

Pirata sa Imus

Good eve po, Sir. kalat dito sa Imus Market ang pirated. Nagyayabang pa ang mga vendor na isang dekada nang hindi  raw nire-raid ang Imus Market kasi may lagay raw sila kay Chairman Ronie Ricketts. Kaya hindi raw sila nangangamba na mahuli ang mga paninda nila. +6394850…..

Kaplastikan sa plastik

Good pm sa’yo, Ka Benny. Bakit po pinagbabawal na ang paggamit ng plastic  eh kailangan naman iyon? Lalo na pagbibili ka ng sariwang isda, gagawa ka ng ice or ice candy. Anong ibabalot diyan ‘yung papel? Pwede ba yon? Style ng Pinoy, bulok. +6394939….

NBI 75 at PNP 111

Good day. Kung mapa-pansin ninyo, konti na lang ang gamit ng NBI 75 na wala ang regular plate ng sasakyan. Pero  ngayon ang marami naman ay ang PNP 111 na ‘di rin gamit sa harap ang regular plate at meron ding 8 lang ang plaka sa harap at hindi sa likod ng sasakyan. Arnel Lopez.   +6391928….

4PS na P3,000 nagiging P300

Sir good day. I-inform ko lang  po kayo na ang 4PS dito sa Bicol, partikular sa Camarines Sur, ay ‘di nakararating nang maayos sa tamang tao. Dati P3 thousand ang nakukuha namin sa ATM, ngayon ay P300 na lang sa pamamagitan ng Libom Bank  sa Albay. Ginagamit lang kaming mahihirap para magkapera ang nasa pwesto.  Kayo lang ang may kakayahan na maiparating ito sa kinauukulan para maimbestigahan. Mas malaki pa ang pamasahe namin kesa naku-kuha naming tulong. Kanino kaya napupunta yon, Sir Benny?  +6391537….

Kawawang obrero

Good am, Sir Benny, lagi po akong nagbabasa ng column n’yo. Dito po samin sa Brgy. West Rembo, Makati City, kolorum ang karamihan sa mga tricycle, walang li-sensya ang mga driver at expired ang mga rehistro. Naka-open muffler po at sobrang ingay. Overloading pa sa pasahero at may  mga estudyante na delikado sa mga bata kasi paakyat dito samin. Pakiimbestiga naman po. Salamat at  more power po sa inyo  +6391627…..

Holdaper muna bago smoker

Good am, ang daming problema na  napakadali ng solusyunan. Masyado lang pinahahaba at pinahihirap. Gaya ng mga paputok at sigarilyo. Hulihin at patigilin ang gumagawa, ‘yun lang. Kapag walang gumaga-wa, walang magtitinda, walang mabibili kaya mahihinto na. Commonsense lang po. Instead na maubos ang oras ng pulis at MMDA sa paghuli at pag-lecture sa smokers, mas may magagawa po silang importante tulad ng paghuli sa mga snatcher, kidnapper, killer at lahat ng masasamang elemento. Puro kalokohan po ang nangyayari. Wala nang paligoy-ligoy pa. 1 plus 1 lang po, ‘di ba? Na-kapipikon na po kasi. +63928789….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply