5 bebot nasagip sa putahan sa Aklan

NAILIGTAS ang limang babae kabilang isang menor de edad makaraang salakayin ng mga awtoridad ang isang vidoeke bar na hinihinalang ginagamit na prente ng prostitusyon sa Quezon Avenue, Kalibo, Aklan.

Napag-alaman na matagal nang sinusubaybayan ng mga awtoridad ang mga nag-oopereyt ng videoke bars sa bayan ng Kalibo dahil sa dumaraming bilang ng mga kababaihang namamasukan sa mga bahay-aliwan.

Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Aklan) at Regional Special Operations Group (RSOG) matapos na makatanggap ng ulat na isa sa videoke bar sa lungsod ay pugad ng prostitusyon.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang manager ng bar na kinilalang si Mirasol Ocag, residente ng Maayon, Capiz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply