5 Cabinet members ni PNoy, mababalaho sa CA

LIMANG miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III ang namumurong ma-bypass ng Commission on Appointments (CA) oras na hindi maaprobahan ang kanilang appointment sa huling araw ng sesyon ng Kongreso ngayon.

Nabatid kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, miyembro ng CA, na kandidatong ma-bypass sina Secretaries Leila de Lima ng Department of Justice; Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources; Corazon “Dinky” Soliman ng Department of Social Welfare and Development; Ramon Jimenez ng Department of Tourism at Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government.

Walang naka-schedule na confirmation hearing sa kanilang lima ngayong araw kung kayat sigurado na silang maba-bypass ng CA, maliban na lamang kung maisisingit sa agenda ngayong araw na ang nakalinya ay mga ambassador.

Tiwala naman si Sen. Gregorio Honasan na mare-reappoint sila ni Pangulong Aquino dahil na rin sa maayos na trabaho nila sa kani-kanilang tanggapan.

“Prerogative ng Presidente na ire-appoint sila, maayos naman ang kanilang trabaho”wika ni Honasan,dating miyembro ng CA.

Binanggit pa nito na wala namang limit ang reappointment ng isang cabinet member na na-bypass ng CA, basta’t may tiwala pa rin sa kanya ang Pangulo ng bansa.

“Maraming ganun huh! Naalala nyo the late Secretary (Angelo) Reyes, nakawalong reappointment yan,”ani Honasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply