5 heavy equipment sinunog ng NPA sa Campostela Valley

SINUNOG ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang limang mga heavy equipment ng Philco Mining site na nasa Barangay Camanlangan, New Bataan, Compostela Valley, ayon sa ulat ng militar.

Ayon kay Army Major Jake Obligado, Commanding officer ng Civil Military Operations Battalion ng 10th Infantry Division, dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang inatake ng mga rebelde ang mining company at sinunog ang dalawang elf truck, dalawang backhoe at drilling machine.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaalaman ng militar ang lumabas na report na tinangay din ng mga rebelde ang manager at may-ari ng Philco Mining site at ang umano’y isang pulis.

Samantala, kinumpirma ngayon ng militar ang nangyaring pagsabog ng landmine alas-5:37 Sabado ng umaga sa Nuevo Visayas Mawab, Compostela Valley province.

Ayon kay Lt. Col. Lyndon Paneza, spokesperson ng 10th Infantry Divivsion (ID) ng Philippine Army, galing ang tropa ng 71st Infantry Battalion sa Mawab patungong Brgy. Limbo nang biglang sumabog ang nasabing landmine.

Wala umanong nasugatan sa nasabing pagsabog ngunit binigyang linaw ng nasabing opisyal na nangyari ang putukan sa pagitan ng militar at hindi pa mabatid na bilang ng mga rebelde.

Nauna umanong nagpaputok ang grupo ng organized crime group dahilan upang gumanti rin ang militar.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng clearing operation ang grupo ng militar sa nasabing lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply