5 kilabot na holdaper timbog sa Pasay

NATULDUKAN na ang pamamayagpag ng limang kilabot na holdaper na nambibiktima ng mga pampasahero sa pampublikong dyipni sa Pasay City.

Hindi na nagawang makapanlaban ng mga suspek na nasorpresa ng mga tauhan ni PCI Fernando Ferrer ng Criminal Investigation Division (CID) ng Pasay City Police habang nasa aktong nanghoholdap sa naturang lungsod.

Nakuna sa mga suspek na kinilalang sina Manolet Viernes y’Abawag 24, ng 2230 Interior 14 Liveriza St.Malate Manila; Rolando Magbintang y’ Figueroa 27, driver ng No. 0041 Kalaanan Compound Calookan City; Jeckly Bacud y Probito 32,  residente ng 104 P.Jacinto St. Kalaanan Calaoocan City; Luis Ferrer Ngo 32, ng naturang tirahan at Ramil Otazo y Salinas 19, ng 2258 Interior 6 Leveriza St. Pasay City.

Ayon kina SPO2 Alfredo Llanillo Jr., PO3 Antonio Balois Jr. at PO3 Enrico Desalisa, dakong alas:2:30 kaninang madaling araw namataan nila ang mga suspek na sakay ng pampasaherong dyip (TWX-572) na ginamit sa panghoholdap sa kahabaan ng Edsa Extension at FB Harrison sa naturang lungsod.

Naaktuhan ng mga pulis habang hinoholdap ang mga biktima na kinilalang sina Sharmaine Reyes at Andrea Santos, kapwa call center agent.

Ayon kay Police Chief Inspector Angelito Ferrer hepe ng Intelegence Unit (EI) ng Pasay City Police ang modus operandi ng mga suspek, isa ang tatayong driver at tatlo ang magpapanggap na pasahero habang ang isa ay uupo sa estribo at tatakpan ang plate number ng jeep upang hindi makita  ang plaka nito habang isinasagawa ang panghoholdap sa mga pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply