5 Koreano timbog sa pag-oopereyt ng online casino

ARESTADO ng mga ahente ng Natioanl Bureau of Investigation (NBI) ang limang Koreano na iligal na nag-ooperate ng online casino sa isang condominium sa Asiawealth Tower sa Pasay City.

Ayon kay Palmer Mallari, hepe ng sa NBI  Technical Investigation Division,  naaresto ang mga suspek nakilalang sina Yongkyu Ho, Namyeab Chu, Jinghao Li, Mei Li, Jinghao Yi  sa bisa ng search warrant nang salakayin ang dalawang condominium unit sa Leveriza St., sa Pasay City.

“They can place their bets using their credit cards and choose from among the games available sa website kung saan sila tataya,” ayon pa kay Mallari.

Sinabi ni Mallari na may mga natanggap ang ahensya na impormasyon hinggil sa iligal na operasyon ng mga Koreano at Chinese national kaya sila nagsagawa ng pagsalakay sa lugar na mistulang isang call center.

Nabatid na marami na umanong mga dayuhan na nag-ooperate ng on line betting sa bansa dahil na rin hindi na umano kinakailangan pa ng anumang dokumento upang makapag-operate ang mga ito basta lamang may internet access.

Ang mga suspek na kasalukuyang nasa kostudiya ng NBI ay nakatakdang sampahan ng paglabag sa anti-gambling at RA 9287 o ang pagpataw  ng mataas na parusa sa iligal gambling law.

Kinumpiska naman ang mga computers, gadgets at iba pang online paraphernalia na ginagamit ng mga suspek sa kanilang iligal gambling.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply