5 Agusan mayor, DENR pinagpapaliwanag sa illegal logging

PINAGPAPALIWANAG ngayon ng Department of the Interior and Local Government ang limang Alkalde ng Agusan del Norte at del Sur at mga lokal na empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos silang malusutan umano ng may P16M halaga ng shipment ng mga iligal na pinutol na  troso na idinaan sa kanilang mga bayang nasasakupan.

Kabilang sa pagpapaliwanagin ay sina Mayor Leonida Manpatilan ng bayan ng Esperanza, Mayor Ronaldo Corvera ng San Luis,Isaias Masendo ng Talacogon, Mayor Ambrosio Lim ng La Paz at Mayor Reinario Rosales ng bayan ng Las Nieves.

Ayon kay DILG Secretary Jesse M. Robredo, kinakailangan aniyang magpaliwanag sa pamamagitan ng sulat ang limang Alkalde at mga empleyado ng DENR kung bakit hindi sila pwedeng makasuhan ng kriminal at administratibo dahil sa kapabayaan sa kanilang mga tungkulin at sa  kabiguang maharang sa kani-kanilang mga lokalidad ang may 7,255 mga piraso ng troso na nagkakahalaga ng may P16 million  habang patungo sa kani kanilang mga wood-processing company.

Pinagsusumite rin ng reports ni Robredo ang mga Alkalde at mga empleyado ng DENR na nagsagawa ng checkpoints sa logging areas kung bakit hindi man lang nasabat at kawalan ng aksiyon na mapahinto ang iligal na pagtotroso at pagpupuslit ng mga ito palabas sa kanilang mga nasasakupan.

Kabilang din sa iimbestigahan ang mga mayor, chief of police at Barangay officials sa lugar sa posibilidad na pagkakasangkot nila sa kontrobersiya.

Ayon sa ulat, nakalusot umano sa maraming inilatag na checkpoints sa mga ilog ng bawat bayan ng La Paz, San Luis, Talacogon, Esperanza at Las Nieves na hindi man lang umano na de-detect at nainspeksiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply