50 pamilya nasunugan sa Tondo, Maynila

TINATAYANG 50 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang tupukin ng apoy ang may 20 kabahayan sa Tondo, Maynila kagabi.

Ayon sa report ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang alas-7:50 ng gabi sa kanto ng Asuncion at Padre Rada St. na umabot sa ikalimang alarma at naapula lamang dakong alas-9:00 ng gabi.

Tinatayang P2.5 milyon ang pinsalan ng sunog habang wala namang napaulat na nasaktan,

Kasalukuyan pang inaalam ang sanhi ng naturang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply