50,000 silid-aralan, target ipatayo sa 18-24 na buwan

TARGET ng gobyernong Aquino na makapagpatayo ng 50,000 silid-aralan sa bansa sa loob lamang ng 18 hanggang 24 na buwan.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na sa 50,000 silid-aralan ay tatapusin ng Public-Private Partnership(PPP) ang 30,000 habang ang 20,000 classrooms naman ay tatapusin ng Local Government Units (LGUs).

Inamin ni Sec. Lacierda na bagaman kapos talaga ang silid-aralan sa bansa ngunit hindi aniya ito dahilan para hindi matuloy ang implementasyon ng K+12 program ng gobyerno sa mga paaralan.

Nauna rito, tiniyak ng opisyal na sa loob ng dalawang taon ay hindi na kakapusin ang mga kailangang silid-aralan sa bansa.

“That’s where we are right now but as soon as we have all these classrooms in place, certainly it would ease the shortage on classrooms,” ayon kay Sec. Lacierda.

Samantala, nagtengang-kawali na lamang ang Malakanyang sa patuloy na pagbatikos sa ikinasang k+12 program ng gobyerno.

“There will always be resistance to something new but we have to, at a certain point in time, implement the program. There will always be resistance but as as we go along we will be able to adjust to that,” ayon kay Sec. Lacierda sabay sabing “when I was still in college, let me say this as a personal anecdote, I was studying in La Salle then in 1980 and  it was the first time that the trimester system was introduced, we were all rallying, we are all complaining about that. Look at where we are now, they implemented it, other schools have implemented it”.

Kaya nga ang pakiusap nito sa publiko ay bigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na buong maipatupad ang K+12 program.

“It is going to be complying with international standards. We mean no other intention but to mean well and make sure our students graduate with and comply with international standards and if should they decide not to pursue college studies, they will  be able to find employment opportunities after high school,” ang pahayag ni Sec.Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply