$5O M ransom kapalit ng nawawalang Jordanian journalist, 2 Pinoy crew

TUMATAGINTING na $50 million ang hinihingi umanong ransom money ng mga taong may hawak sa Jordanian journalist at dalawang Filipino TV crew na sinasabing dinukot ng mga aramdong kalalakihan.

Sa impormasyong ibinahagi ng isang mataas na opisyal ng  na aksunod ng paglutang ng impormasyong hawak na ngayon ng mga Sulu-based Abu Sayyaf Group (ASG) ang Jordanian journalist at ang dalawang Filipino crew nito.

Nabatid na lumabas ngayon ang impormasyon na humihingi na ng ransom money \ang mga kidnappers kapalit sa kalayaan ng tatlong bihag.

Sa pahayag na ibinigay ni Directorate for Integrated Police Operation Western Mindanao (DIPO-WM) commander C/Supt. Manuel Barcena, sinabi nito na may nakalap ang mga otoridad na impormasyon kaugnay sa ransom demand para sa bihag na tatlong TV crew sa pangunguna ni Al-Arabiya TV network bureau chief Baker Abdullah Atyani.

“May kumakalat na “tsismis” pero verify pa natin kung totoo nga,” ani Barcena.

Sa ngayon hindi pa makumpirma ng pulisya at militar sa Western Mindanao ang hinihinging ransom ng grupo ng Abui Sayyaf sa pangunguna ng isang ASG Commander Tuan Nadzmer na may hawak sa mga mamamahayag at sinasabing nagkakahalaga ng $50 Million.

Ayon kay General Barcena, beneberipika na rin nila ang nasabing ulat at tini-trace na rin kung sino ang source sa pagpapakalat ng nasabing ransom demand.

Sa ngayon, ayon kay Barcena bumuo na ng crisis management committee (CMC) ang pamahalaang lokal ng Sulu para tutukan ang panibagong krisis na kanilang kinakaharap.

Sinasabing personal umanong nakipag-ugnayan si Commander Ali sa isang opisyal ng Sulu sa pamamagitan ng cellphone kung saan tinukoy daw nito na sabihin sa media na tigilan na ang paghahanap sa nawawalang mga TV crew dahil nasa kanila na ang mga ito

Patuloy itong beneberipika ngayon ng  military at PNP sa probinsya ng Sulu ang natanggap nilang panibagong impormasyon na hawak umano ngayon ng isang unit ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nawawalang Jordanian journalist at dalawang crew sa lugar.

Ito ay taliwas naman sa nauna nang lumabas na report na posibleng hawak din ng ibang grupo ng ASG ang tatlong TV crew na sina Baker Abdulla Atyani ang beteranong Jordanian Journalist ng Al-Arabiya TV network at ang dalawang Pinoy na sina Rolando Letrero at Ramilito Vela na dumating sa Sulu noong nakaraang Lunes.

Base sa natanggap na military intelligence report ng awtoridad, pinangungunahan umano ni ASG Commander Taun Nadzmer Ali ang nasabing grupo na siyang dumukot sa tatlong TV crew.

Personal umanong nakipag-ugnayan si Commander Alih sa isang opisyal ng Sulu sa pamamagitan ng cellphone kung saan tinukoy daw nito na sabihin sa media na tigilan na ang paghahanap sa nawawalang mga TV crew dahil nasa kanila na ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply