6 na motor riders patay matapos araruhin ng rumaragasang truck sa Samar

DEAD on the spot ang limang driver ng motorsiklo habang sa pagamutan na inabutan ng kamatayan ang isa pa makaraang maganap ang isang freak accidente sa Catbalogan, Samar ng biglang suyurin ng rumaragasang
truck ang isang pulutong ng mga rider na nakaparada sa tabi ng kalsada, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Catbalogan PNP, isang testigo ang nagsabing nakahilera ang mga driver ng mga motorsiklo sa kanilang paradahan ng biglang araruhin ng truck.

“Nakapila lang sila sa paradahan biglang dumating yung truck at sinagasaan sila,” salaysay pa ng testigo.

Dagliang kamatayan ang inabot ng lima dahil sa lakas ng impact habang sa ospital na binawian ng buhay  ang isang Jonathan Martin, na siyang pang-anim sa mga nasawing motorcycle driver.

Samantala, may isa pang driver din na kinilalang si Edwardo Ogsonar ang nasa kritikal na kondisyon.

Habang isang bahay naman ang nawasak nang madamay sa naturang insidente.

Kaugnay nito, isang manhunt operation ang inutos na ilunsad upang hanapin ang tsuper ng truck na sinasabing dahil sa takot ay mabilis na tumakas.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa pangyayari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply