6 timbog sa illegal mining sa CamNorte

ARESTADO ang anim na kalalakihan kabilang ang tatlong Intsik makaraang maaktuhang nagmimina ng iligal sa Camarines Norte.

Naaresto ng mga elemento ng Labo Municipal Police Station at Camarines Norte PPO sa bahagi ng Busig-on River, Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte ang mga suspek na sina Zeng Qing Song, 30; Yang Da Yong, 37, at Zhang Xu Liu, 45, pawang mga Chinese na nanunuluyan ngayon sa Manlapas Subd., Brgy. Gumamela, ng nasabing bayan.

Naaresto rin ang tatlo pang suspek na sina Bernard Casiano y Jerao, 34; Jed Vincent Cereno y Ravida, 21, at Noriel Rocas y Villigen, 21, ng P3, Brgy. Daguit.

Narekober sa mga ito ang isang unit ng large gold dredging machine, isang unit ng service boat, dalawang plastic drum na puno ng paraphernalia na ginagamit sa pagmimina, siyam na pirasong gold mat, isang pirasong flat shovel at dalawang timba na puno ng pinaniniwalaang ore.

Nabatid na nabigong magpakita ng kanilang permit at authority to operate ang mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply