6,000 metriko toneladang aspalto nilamon ng dagat

NASA 6,000 metriko toneladang aspalto ang nasayang matapos na lumubog ang cargo vessel nang makasalubong ang mga malalking alon sa karagatan sakop ng Agno, Pangasinan.

Sa inisyal na report ng Philippine Coast Guard (PCG), humiwalay umano ang bahagi na kinalalagyan ng Natural Bitumen o natural asphalt na nakasakay sa MV Chang Da 12, isang 2996GT general cargo vessel.

Ayon sa PCG, malaki ang naging pinsala ng cargo vessel at naobserbahan ang mabahong amoy sa lugar kung saan ito lumubog.

Nabatid na ang natapon na aspalto sa karagatan ay gagamitin sana sa road construction, ng  paint industry, polish at insulation ng tanks, tubes at gamit rin sa pagmomolde.

Agad namang nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station (CGS) Sual kay Mr. Noel Malodrigo, representative ng Steel Ray Salvaging Services, para simulan na ang salvaging operations ng  MV Chang Da 12.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng Steel Ray Salvaging Services ang pag-apruba ng Bureau of Customs sa Pangasinan Subport para sa kanilang gagawing aksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply