66 school services hinuli ng LTO

UMABOT sa may 66 na iba’t-ibang mga sasakyan na ginagamit bilang school services ang nahuli ng Land Transportation Office – National Capital Region sa tatlong araw na operasyon kontra sa mga illegal na school service kaugnay pa rin ng balik eskuwela program.

Ayon kay  LTO-NCR Director Teofilo Guadiz III, ang mga sasakyang nabanggit ay kinabibilangan ng mga BUS, AUV, jeep at mga tricycle na hindi awtorisadong gamiting school service dahil sa iba’t-ibang kadahilanan gaya ng kawalan ng prangkisa ng mga sasakyan gaya ng AUV, jeep at buses, hindi nakarehistro, overloading, hindi naka-seatbelt ang driver, habang overloading naman ang kaso sa mga tricycle.

Paalala ni Guadiz sa mga driver at may-ari ng mga sasakyang ginagawang school service, tiyakin, aniya, na may mga prangkisa sila para sa paghahatid ng mga bata sa eskuwela, magbitbit ng lisensiya, at tiyaking walang problema ang minamanehong sasakyan, at sa mga tricycle driver naman, hanggang tatlo lang ang maaaring isakay na pasahero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply