7,400 nabigyan ng trabaho ni Recom sa 2nd quarter ng 2012

UMABOT sa 7,400 residente ang nabigyan ng hanapbuhay ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa apat na isinagawang mega job fair noong Pebrero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.

Base sa ulat na isinumite ni Labor and Industrial Relations Office officer in charge Dante Esteban kay Mayor Echiverri, umabot sa 7,400 na residente ang nabigyan ng trabaho sa mga isinagawang mega job fair sa lungsod.

Ayon sa rekord, sinimulan ang mega job fair noong Pebrero 15 kung saan 222 ang na-hire on the spot habang 1,942 ang pinabalik para sa pagkumpleto ng kanilang mga kailangang dokumento o iyong mga tinatawag na qualified.

Sumunod na nagkaroon ng mega job fair noong February 22 kung saan 119 ang HOTS habang 1,655 ang qualified samantalang noong May 2 ay 307 ang HOTS at 1,731 ang qualified, sa huling mega job fair na ginawa noong May 9, umabot sa 191 ang HOTS at 1,233 ang qualified.

Ang mga ginanap na mega job fair ngayong taon na may temang “Hanapbuhay Alay sa 50th Pagkakatatag ng Lungsod ng Caloocan” ay tumanggap ng mga aplikante hindi lang sa bansa kundi maging sa abroad.

Kabilang sa mga posisyong hinanap ang accountant, secretary, sales clerk, welder, waiter/waitress, cook, janitor/janitress, engineer, encoder, bagger, machine operator, service crew, kitchen staff, call center agent, graphic artist, promodizer, automotive mechanic, stockman, factory worker, driver at domestic helper.

Dahil sa tagumpay ng mga ginanap na mega job fair, nagpasalamat si Mayor Echiverri sa mga tauhan ng LIRO, Department of Labor and Employment at Philippine Overseas and Employment Agency na naging punong abala sa proyektong ito.

Pinasalamatan din ni Mayor Recom si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa ginawa nitong pagtulong sa proyektong ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa mga opisyal ng barangay sa buong lungsod upang ipaalam sa mga residente ang naganap na mega job fair.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply