78-anyos lola arestado sa pagtutulak

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang 78-anyos sa ikinasang buy-bust operation sa Dagupan City kahapon (Hunyo 28).

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez, kinilala ang nahuli na si Marcelina Doria, alyas “Mamang,” biyuda at residente sa Barangay Pantal, Dagupan.

Batay sa ulat, si Doria ay nahuli matapos ang isinagawang buy bust ng pinagsanib na puwersa ng Dagupan PNP at Barangay Pantal.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Aminado si Doria na kaya siya napilitang magbenta ng shabu ay upang kumita at matustusan ang pangangailangan umano ng kanyang apo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply