8 anyos patay, 2 lapnos matapos mabagsakan ng kawad ng Napocor

NAKURYENTE ang isang batang lalaki habang nalapnos naman ang dalawang iba pa nang bumagsak sa kanila ang isang electric wire sa Zambales nitong Huwebes ng hapon (Hunyo 28).

Sinabi sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),  kinilala ang biktima  na si James Sanxhez , 8-anyos, na nagtamo ng 3rd degree burn sa halos buong katawan at namatay noon din sa lugar.

Isinugod naman sina Jose Genedy Sanchez, 24; at Rosandy Gutierrez, 7, kapwa residente ng San Pablo area sa Castillejos sa James Gordon Hospital sa Olongapo City sanhi ng tinamong paso sa iba’t ibang parte ng katawan, ayon pa sa NDRRMC.

Sa ulat ng NDRRMC, naganap ang insidente dakong alas  4:30 p.m. sa President Ramon Magsaysay Elementary School Annex building sa Barangay San Juan sa Castillejos town.

Sa pagsisiyasat, bago ang insidente ay  sumabog ang primary lines o linya ng kuryente ng National Power Corp. sa school annex building, at isa sa mga kawad ay bumagsak sa mga biktima.

Rumesponde naman agad ang mga tauhan ng  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council and provincial police upang madala sa ospital ang mga biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply