8 estudyante sa Zamboanga may HIV

WALONG estudyante sa kolehiyo ang panibagong naitalang may human immunodeficiency virus (HIV) sa Zamboanga City.

Ito ay base sa inilabas na record ng Human Development Empowerment Services (HDES) ng City Health Office (CHO) sa lungsod.

Base sa record, ang pinakabata sa walong mga estudyanteng ito ay may edad lamang na 16 anyos at ang pinakamatanda ay 24 anyos at kabilang sila sa kabuung 45 mga residente sa Zamboanga na positibong may HIV/AIDS.

Kaagad namang nagbigay ng mga gamot ang CHO sa naturang mga estudyante at iba pang pangangailangang medikal upang maagapan ang kanilang sakit.

Ayon kay City Health Officer Dr. Rodeline Agbulos, nakababahala ang natuklasan nila na mga estudyante ang mga nabiktima ng naturang sakit.

Kasalukuyan na ring inaalam kung paano nakuha ng mga estudyanteng ito ang naturang sakit.

Mismo si Mayor Celso Lobregat ay gumagawa na ngayon ng mga hakbang para masiguro na matutulungan ang mga estudyanteng ito sa kanilang kalagayan.

Samantala, maliban sa walong estudyante na lumabas na positibo sa HIV/AIDS, hinihintay din ang resulta ng blood sample na pinadala sa Maynila ng dalawa pang estudyante ng kolehiyo na hinihinalang may parehong sakit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply