9 OFW balik-Pinas mamayang gabi

NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas ang siyam na overseas Filipino worker (OFW) mula sa Syria mamayang gabi.

Nabatid na pito sa mga OFW ay mula sa Kafferseuseh Immigration Detention Center habang ang dalawa ay galing sa Damascus.

Ang mga nasabing Pinoy worker ay sakay ng Emirates flight EK 334 at inaasahang darating sa NAIA mamayang alas-10:00 ng gabi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa 1,639 na OFW na ang napapauwi sa patuloy na repatriation program ng pamahalaan makaraang lumala ang kaguluhan sa Syria.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply