90% ng mga taxi hindi nagbibigay ng resibo

KINALAMPAG ni Rep. Winston “Winnie” Castelo, ng 2nd district ng Quezon City ang Land  Transportation  Franchising  and Regulatory  Board (LTFRB) at Bureau of Internal Revenue sa kaluwagan  nila  sa  polisiyang  pagresibo ng  mga  taxi  dahil  mahigit  sa  90 porsyento  na ang hindi  tumutupad  nito.

Ayon kay Castelo, nagiging talamak na ang  praktis ng mga  taxi owner  at  driver sa pagsuway sa nasabing kautusan subalit  tila nagiging inutil na ang mga awtoridad sa mahigpit na pagpapatupad nito.

Aniya, tila dead law na ang nasabing batas dahil  sa kawalan ng aksyon ng mga awtoridad sa mga sumusuway  rito dahil  marami pang taxi na kung hindi  man sira ang  receipt -issuing machines, talagang wala nito na may karampatang multa na P2,500 kada bawat paglabag.
Sa ilalim ng  nasabing  batas,  suspendido ang lisensya ng 15 araw para sa unang paglabag, 30 araw para sa pangalawang paglabag at revocation sa ikatlong paglabag.

Dapat  din umanong kumilos ang BIR laban sa mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply