Abalos labas kulungan ng 2 oras

DALAWANG oras lamang ang ibinigay ng Pasay Regional Trial Court (RTC) kay dating Commision on Election (Comelec ) Chairman Benjamin Abalos upang makalabas ng kanyang kulungan sa Southern Police District para makauwi sa kanyang bahay sa Mandaluyong City ngayong araw.

Ayon sa tagapagsalita ng Pasay RTC Branch 112 na si Felda Domingo, humirit si Abalos kay Judge Jesus Mupas na mabisita niya ang kanyang bahay sa Mandaluyong City bago matapos ang pagdinig sa mosyon na makapagpiyansa ito.

Isang oras lamang pinahintulutan ni Judge Mupas si Abalos ngunit nakiusap ito na mapalawig pa ng isang oras para makasalo sa pananghalian ang kanyang pamilya,

Hindi naman tinutulan ng Comelec ang hirit ni Abalos kaya’t agad na pinayagan ng korte.

Napag-alaman na ngayon din araw ay ipagdiriwang ang kaarawan ng panganay na apo ni Abalos na matagal-tagal na rin hindi niya nakikita simula nang makulong ito sa SPD.

Lalabas ng kulungan si Abalos bago magtanghali at dalawang oras lamang manatili sa kanyang bahay at agad itong ibabalik sa kanyang detention cell.

Samantala, pinalawig pa ng Pasay City RTC ang pagdinig sa mosyong makapaglagak ng piyansa si dating Chairman Abalos sa dalawang kasong electoral sabotage na kinakaharap nito.

Muling itinakda ni Judge Mupas ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Hulyo 4 at 9 dakong alas-9 ng umaga kaugnay pa rin sa mosyon nitong makapaglagak ng piyansa kung saan itutuloy ang cross examination sa testigo ng Comelec na si dating North Cotabato election Supervisor Yogie Martirizar na siyang nagdiin kay Abalos na nag-utos umano na panalunin ang mga kandidato sa pagka-senador ng Administrasyon Arroyo.

Magugunitang si Abalos ay pinayagan makapagpinyasa sa Pasay City RTC hinggil sa kinakaharap nitong 11 counts na kasong electoral sabotage at tanging desisyon na lamang ni Judge Mupas ang kanilang hinihintay para sa pansamantalang kalayaan nito sa kulungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply