Abalos pinayagan magpiyansa

MAKARAANG mabigo ang prosekusyon na maiprisinata ang pangunahing testigo, pinahintulutan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) na makapagpiyansa si dating Commission on Election Chairman Benjamin
Abalos.

Sa ginawang pagdinig sa sala ni Pasay RTC  Branch 117 Judge Eugenio Dela Cruz, pinahintulutan na mapagpataw ng halagang P200,000 bawat isang kaso si Abalos.

Si Abalos ay nahaharap sa 11 counts ng kasong electoral sabotage na may kabuuang P2.2 milyon piyansa

Makaraang pahintulutan ng korte na makapagpiyansa naging masaya si Abalos at umaasang mapahihintulutan din siyang makapagpiyansa  ni RTC Judge Jesus Mupas sa branch 112 na
nakatakda namang dinggin bukas.

Ang pagpapatuloy sa pagdinig ng usapin ang intinakda ni Judge Dela Pasay Cruz sa darating na July 11.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply