Abalos nag-walkout sa korte

MATAPOS makapaglagak ng piyansa para sa kasong 11 counts of electoral sabotage, sa halagang P28,000 surety bond, nawala ang sigla ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at nag-walkout sa pagdinig kaugnay sa petition to bail nito sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kaninang umaga.

Umaasa si Abalos na diringgin kanina sa sala ni Pasay City RTC Judge Branch 112 Jesus Mupas ang kanyang motion to bail.

Nabigo si Abalos at sa halip iginiit ng prosekusyon na maisalang sa witness stand si dating North Cotobato Election Supervisors Atty. Yogie Martirizar bilang discharge witness.

Dahil dito, nagngingitngit sa galit na lumabas si Abalos at ang anak nitong si Mandaluyong Mayor Benhur Abalos sa korte at sumakay sa police escort para bumalik sa kanyang detention cell sa Southern Police District.

Pahayag ng dating Comelec chair, hindi dapat talakayin at isalang si Martirizar.

Nilinaw din ni Abalos na nagpaalam siya bago umalis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply