Abalos pinayagan ng korte na makauwi ng bahay

MAAARING makauwi ng kanilang tahanan bukas, Hunyo, 24, si Commission on Election (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos matapos itong payagan ni Pasay City Regional Trial Court branch 12 Judge Jesus Mupas na makalabas ng kulungan sa Southern Police District.

Nabatid na bago matapos ang pagdinig sa mosyon nitong makapagpiyansa kahapon, hiniling ni Abalos sa huwes na makauwi ng bahay sa Mandaluyong City.

Nabatid na isang oras lamang ang ibinigay na pahintulot ni Judge Mupas ngunit humirit pa si Abalos na gawin itong dalawang oras upang makasama umano niya sa pananghalian ang kanyang pamilya na pinayagan naman agad ng korte.

Magpapatuloy naman sa Hulyo 4 at 9 ang pagdinig sa mosyon ni Abalos na makapagpiyansa kung saan ipagpapatuloy ang cross examination sa testigo ng Comelec na si Yogie Martirizar na mariing nagdiin kay Abalos na umano’y siyang nag-utos na papanalunin ang mga kandidato sa pagka-senador ng administrasyong Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply