Abusadong local airline companies binalaan ng CAB

BINALAAN ni Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla sa mga local airline company na mag-overbooking ng flights.

Ginawa ni Arcilla ang babala dahil sa patuloy na pagdagsa ng reklamo mula sa mga pasahero na nawawalan ng upuan na bumibiyahe sa kani-kanilang lalawigan.

Magsisimula ang ban sa June 15 (Biyernes) sa kabila ng protesta ng mga low-cost carriers dahil labis itong makakaapekto sa kanilang business model.

Sa ilalim ng ban, ang mga airline company na mabibigong bigyan ng upuan ang mga nagbayad na pasahero ay pagmumultahin ng P5,000 maliban pa sa ticket refund.

Karaniwan nang ginagawa ng mga airline company ang baggage offloading o ang pagbabawas ng bagahe sa eroplano kung masyadong mabigat ang karga nito.

Nangyayari ito kapag mahina ang hangin sa runway o maliit mismo ang runway kaya nahihirapang mag-take off ang eroplano.

Kadalasan itong nagdadala ng kalituhan at kaguluhan sa mga pasahero lalo na sa mga may mahigpit na schedule.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply