Account executive todas sa nagpakilalang pulis

PATAY ang isang account executive makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihan na umano’y nagpakilalang mga pulis matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Cubao,Quezon City kaninang madaling araw Hunyo 24,2012.

Kinilala ni chief inspector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Federico Royo,32, binata ng 12 Banahaw  St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, QC.

Si Royo ay idineklarang dead on arrival sa St. Lukes hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Ayon sa ulat ni PO1 Cesar Balbuena ng QCPD-CIDU naganap ang insidente dakong 12:15 ng madaling araw kanina sa harap ng Conwise Building sa 12 Banahaw St., Brgy. Kaunlaraan, Cubao, QC.

Sinabi sa ulat na nakita ng witness na security guard ng gusali na si Crisanto Mico ang biktima habang kinokompronta ng apat na kalalakihan suspek sakay ng isang kulay puting Toyota Rev-o (XDU-889).

Tinangka umanong awatin ng witness na si Mico ang mga suspek subalit sinabihan ito ng huli na wag makikialam at mga pulis sila.

Dito na bumunot ng baril ang dalawa sa apat na suspek at sunod-sunod na pinagbabaril ang biktima na ikinasawi ng huli.

Tumakas ang mga suspek sakay ng ng naturang sasakyan at iniwan ang duguang biktima.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga otoridad para madakip ang mga suspek na responsable sa naturang krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply