ACT: P6K sahod sa kindergarten teachers

PORMAL ng isinulong ni ACT Teachers Party-List Representative Antonio L. Tinio kahapon ang kaniyang  House Resolution 2502 , “Resolution Calling on President C. Aquino III to Immediately Increase the Monthly Honorarium of Volunteer Kindergarten Teachers from P3,000.00 to P6,000.00.”

Iginiit sa HR 2502 ang karagdagang P3,000 pa ang P3,000 na honorarium ng mga Volunteeer Teachers dahil ito ang naging hinaing  ng mga matagal ng humingi ng karagdagang kompensasyon simula noong SY 2011-2012 nang ipatupad ng Department of Education (DepEd) ang universal Kindergarten education program (UKEP).

Hinikayat ng solon si Presidente Aquino na gamitin ang kaniyang dicretionary funds mula sa kanilang prok barrel sa pagresolba ng mga hinaing ng mga guro na siyang nagsisilbing front-liners ng kanilang programang reporma ng edukasyon.

Ayon sa mambabatas, one-fourth na nga lang sa minimum wage ang tinatanggap ng honorarium ng mga boluntaryong mga kindegarten teachers ay nakakaranas pa rin ang ilang mga nasa lugar tulad ng Rizal, Bulacan, Urdaneta City, at Palawan na umaabot pa hanggang  pitong buwan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply