Active LPA magiging bagyo sa loob ng 36 na oras

INAASAHANG magiging ganap na bagyo sa loob ng susunod na 36 na oras ang Active Low Pressure Area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 750 kilometro Silangan ng Guian, Eastern Samar. Sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong Dindo.

Makararanas ng madalas na maulap na kalangitan ang Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Magiging maulap naman at malawakan ang pag-ulan sa Palawan, Bicol, Silangang Kabisayaan at Hilagang Mindanao na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, ang Metro Manila ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 25 hanggang 31 degrees Celcius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply