Administrative case vs Corona ibinasura ng SC

IBINASURA na ng Supreme Court ang kasong administratibo laban kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sa per curiam resolution ng SC, sinabi ng korte na ang reklamo laban kay Corona ay moot and academic na matapos siyang mapatalsik sa pwesto kasunod ng guilty verdict na ipinataw ng Senate Impeachment Court.

Sinabi ng Korte Suprema na wala ng pangangailangan para magdesisyon pa ang en banc sa naturang kaso.

Si Corona ay ipinagharap ng kasong administratibo ng Inter-Petal Recreational Corporation (IPRC) dahil sa umano’y unethical conduct ng makipagkita ito sa mga abogado ng kanilang kalabang partido.

Si Corona ang ponente sa desisyon ng petisyon ng IPRC na nagrereklamo sa Securities and Exchange Commission ng grave abuse of discretion.

Nag-ugat ito matapos na itanggi ng SEC na mayron silang hurisdiksyon sa pekeng disclosure ng bentahan ng shares ng Philweb Corp.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply