AFP dismayado sa resulta ng laban ni Pacquiao

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang mismong pinuno ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa naging resulta ng bakbakang Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Base sa pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa, nakadidismaya ang naging desisyon ng mga hurado sa laro na halata naman umano na liyamado ang Pambansang Kamao sa lahat ng rounds.

Kahit idineklarang talo si Pacman, proud pa rin ang grupo ng AFP sa ipinakitang galing ng Pinoy boxer  dahil alam nilang kaisa nila ang buong mundo sa pagsasabing ito ang tunay na nagwagi at hindi si Bradley.

Matatandaang iginawad kay Pacman ang ranggong lieutenant colonel para sa Army reservist ng sandatahang lakas ng ating bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply