AFP, PNP magpapakalat ng pwersa sa unang araw ng pasok

ALL system go para sa Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police kaugnay sa kanilang Oplan Balik Eskuwela ngayong Lunes Hunyo 4, ayon na rin sa AFP National Capital regional Command Chief.

Ayon kay AFP NCRCom Commander Ltgen Tritsan “Titan” Kison nakatakdang magdeploy ng mga tauhan sa 25 elementary and secondary schools sa National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang siguraduhing ligtas ang pag-uumpisa ng klase.

Sinabi pa ni Kison na bahagi lamang ito ng  pakikiisa ng AFP sa Oplan Balik Eskwela ng Department of Education (DepEd) kung saan aasistehan ang mga estudyante at guro ng mga ipapadalang sandatahan mula sa ibat ibang sangay ng hukbo ng bansa gaya ng Philippine Navy at Philippine Air Force (PAF).

Magpapadala ang AFP ng mga tao sa limang eskwelahan sa Maynila, lima sa Quezon City, dalawang paaralan sa Valenzuela, tatlong eskwelahan sa Pasay, tatlo sa Taguig at dalawang eskwelahan sa Makati, Malabon, at isang paaralan sa bawat bayan ng Mandaluyong, Caloocan, Marikina, Navotas at Pasig.

Paglilinaw ng pamunuan ng AFP, may nakapwesto na ring army detachments sa mga malalayong lugar na di abot ng Philippine National Police (PNP) na nagpakalat na rin ng kanilang puwersa particular na sa kalakhang Maynila.

Tiniyak ngayon ng Philippine National Police (PNP) na “all set” na ang seguridad sa buong bansa para sa pagbubukas ngayon ng  klase.

Inihayag ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, may mga ikinalat ng mga tauhan sa mga pampublikong paaralan kasama ang pwersa ng AFP upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Maliban sa kahandaan sa seguridad, nakahanda rin ang pulisya sa disaster at emergency response kung kinakailangan lalo na’t magiging maulan ang pagsisimula ng klase ngayong buwan.

Samantala, sa Maynila kung saan naririto ang malaking bilang ng mga paaralan, pamantasan at ng kolehiyo ay inatasan ni Mnaila Mayor Alfredo S Lim si MPD Director Alex Gutieres na magtalaga ng sapat na puwersa sas mga lansangan particular na sa University belt area upang masupil ang mga petty at street crimes na bumibiktima s amga magulang at mga mag aaral.

Inatasan ni Lim na magtalaga ng foot patrol upang mapalawig ang police visibility sa sa mismong araw ng pasukan.

Makikipagtulungan na rin anya ang mga pulis sa school officials para sa pagsasagawa ng security check sa loob at labas ng mga paaralan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply