Afternoon classes ng 7 public schools sa QC suspendido na

SUSPENDIDO ang panghapong klase sa may pitong pampublikong paaralan sa Lungsod ng Quezon  bunsod ng patuloy na nararanasang pag-ulan ngayong Lunes, Hunyo 18.

Ayon sa report ng dzBB,  patuloy na nagmomonitor ang Quezon City officials sa lagay ng panahon kung kinakailangan pang suspendihin ang klase sa iba pang paaralan.

Kabilang sa mga paaralang nagsuspinde ng klase ay ang  Rosa Susano Elementary School in Brgy. Gulod, Bagbag Elementary School, Doña Rosario Elementary School,  Benigno Aquino Elementary School at Commonwealth Avenue,  Commonwealth Elementary School,  San Antonio Elementary School sa San Francisco del Monte, L.R. Pascual Elementary School.

Samantala, marami rin ang nagsuspinde ng klase sa mga paaralan sa Metro Manila umaga pa lamang ng Lunes bunsod ng malakas na pag-ulan na nagsimula pa kagabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply