Aga Muhlach binubuyo ng LP para kumandidatong senador

KINUKUMBINSI na nina DILG Secretary Jesse Robredo at DOTC Secretary Mar Roxas ang aktor na si Aga Muhlach para kumandidatio bilang senador sa ilalim ng Liberal Party (LP) sa 2013 elections

Sinabi ni Robredo, suportado si Muhlach ng isang malaki at kilalang foundation dahil na rin sa magaganda nitong nagawa sa maraming lugar sa bansa.

Subalit sa kasalukuyan ay wala pa umanong pinal na desisyon kung tinanggap na ng aktor ang alok ng partido.

Una rito, hayagan ang pagnanais ni Aga na kumandidato sa lokal na politika sa Camarines Sur dahil sa regular nitong pagbisita sa lugar matapos na magpalipat ng rehistro sa Comelec.

May nakabinbin namang petisyon ang ilang politiko laban kay Muhlach na kumukwestyon sa legalidad ng kanyang paglipat ng rehistro.

Samantala, nito lamang nakaraang linggo, nanumpa naman kay Robredo, isang LP stalwart, ang mahigit 200 bagong miyembro ng partido kabilang ang ilang mayors na lumipat mula sa partido na Lakas-Kampi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply