Agri sector vs Rep. Briones

ANO ba talaga ang score sa pagitan ni Agriculture Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Rep. Nicanor Briones, mga hog raiser at meat vendors?

Natanong natin ito dahil matapos magbanta ang magaling na kongresista ng market holiday ay ito: Tinitira siya ng magbababoy at vending peddlers. Puro lang daw ngakngak si Briones dahil wala naman umano itong nagawa sa kabila ng pagiging mambabatas ng sektor ng agrikultura.

Ayon sa kanila, walang nagawa ang congressman na kongkretong batas na pakikinabangan ng mga magsasaka, magbababoy, etcetera.

Ngawngaw daw nang ngawngaw ito laban sa meat and agri-product importation pero hanggang doon lang ang ‘achievement,’ anila, ng kongresista.

Sinabi ng mga hog raiser at meat vendors na ‘di dapat kabuwisitan ni Rep. Briones ang mga umaangkat ng agri-products at karne sa ibang bansa.

Ang pagtuunan ni Cong. Briones ng kanyang galit at birada ay ang napakataas na presyo ng feeds na dahilan ng pagkalugi ng mga hog raiser.

Nagkaroon na raw ng mono-polyo sa industriyang ito pero wa-lang ginagawa si Rep. Briones, bilang kinatawan nila sa Kongreso, para ito’y masawata.

Dahil kinakapos sa produksyon ang ating local hog raisers, hindi nila kayang isuplay ang pangangailangan ng malalaking processing company tulad ng CDO, Purefoods at Pampanga’s Best.

Kung aasa sila sa supply ng mga lokal, kakapusin naman sila sa napakalaking demand sa kani-lang mga produkto sa merkado. Kaya naman sila na mismo ang kumukuha ng imported meat mula sa ibang bansa.

Tuloy, naging malaking ka-kompetensya ng local hog raisers ang mga imported meat. Pati sa mga palengke at supermarket  ay may mga naibebenta na ring im-ported meat.

Walang magawa sa proble-mang ito ng hog raisers si Rep. Briones kaya para “mailigtas niya ang kanyang ulo”, naghanap siya ng masisisi.

Nagpropaganda siya na tala-mak daw kasi ang pork smuggling sa Bureau of Customs (BOC).
Na-nawagan pa ng pork at market holiday, e malaking sablay naman ito dahil perhuwisyo lang sa mga tindero at tindera na gusto lang makapaghanapbuhay.

Susme itong si Rep. Briones, hanep magpalusot!

Hindi ba’t kaya nga siya ibinoto ng mga na sa agri sector, partikular ng hog raisers, e, para gumawa siya ng kapaki-pakinabang na ba-tas sa Kongreso at hindi ‘yung magngangakngak sa media?

Kung totoong nais talaga ni Briones na masawata o maipatigil ang meat importation, lumikha siya ng isang batas na magbabawal dito. E, bakit hindi niya ginagawa?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply