Ai-Ai bawal nang magka-anak? (Buhket!)

SMILE lang ang sinagot ni Ai Ai delas Alas sa isyung magpapakasal na sila ng boyfriend niyang si Jed Alvin Salang nang makatsikahan namin siya sa Zirkoh, Morato nu’ng Friday night.

Sa taong ito, balitang pang-apat sila sa pamilya nina Jed ang magpapakasal dahil may kapatid at pinsan ang BF niya na magpapakasal sa August, September at Novermber. Ang tsismis sa December naman sa abroad sila lalagay sa tahimik.

Tumawa lang si Ai Ai.”Tanungin niyo siya,” sambit lang niya na kung saan ay nagtuturuan sila ni Jed.

Pero kung magpo-propose si Jed, tatanggapin niya? ”Depende sa proposal. Kung maganda at pangkalakasan,” tugon niya.

Tinanong din namin kung nagseselos si Jed kay Aljur Abrenica na na-link kay Ai.

“Hindi, pareho lang naman kami ng kinakain,” mabilis niyang sagot.

Hindi muna matutuloy ngayong filmfest ang movie niya with Kris Aquino at Vice Ganda dahil magpapahinga raw siya. “Magpi-PGT ako (Season 4) August, September, live namin December.

Next year start ng work niya sa kontratang pinirmahan niya kaya willing pa rin siya that time na makasama sina Kris at Vice.

Hindi ba siya nanghihinyang na wala siyang filmfest entry. Filmfest Queen pa naman siya. Parang may kulang?

“Minsan kasi sa buhay ng tao…paano ko ba sasagutin ‘yun? Ganito na lang, nirerespeto ko si Vic Sotto. Kasi nag-usap kami na hindi muna ako gagawa,” sey pa niya.

Sa bandang huli ng usapan ay naiyak si Ai Ai nu’ng pag-usapan kung may balak siyang bigyan ng anak si Jed.

Dahil sa maselang kalagayan na ni Ai Ai, sey ni Jed ayaw niyang ilagay sa risk ang buhay nito at ganoon din ang magiging baby nila. Sila na lang daw ang maging ‘baby’ sa isa’t isa.

Bongga!

-0o0-

INISNAB nga ba ni Helen Gamboa ang grand opening ng Manang’s Chicken sa Visayas Avenue, Quezon City branch? Pumasok kaya ang character ni Doña Margaret Montenegro ng ‘Walang Hanggan’ kaya wala siya sa naturang okasyon at nagkokontrabida siya?

Hindi raw nakatakas sa taping si Helen kaya ang kanyang eldest daughter na si Apples Sotto ang humalili sa kanya para mag-cut ng ribbon.

Pero nag-enjoy pa rin ang mga bisita ng ‘Manang’s Chicken’ kahit wala si Helen dahil kakaiba ang sarap ng ipinatikim nilang bagong fried chicken ng Pinoy.

Humingi naman ng paumanhin si Apples sa ‘di pagdalo ng ina. Dapat sana si Ciara Sotto ang darating pero nagtutu ro din daw ito ng pole dancing.

Tsinika rin namin siya kung true na tatakbong alkalde ng QC ang Uncle Vic Sotto niya at ano ang reaksyon ng ama niyang si Senator Tito Sotto?

“Okey sa kanya kung gusto ni Tito Vic. Pero ang tingin din niya parang hindi niya gusto…ngayon ha! Sa ngayon we never know..,” aniya.

“Pero kung mayor ng QC, major adjustment. Grabe ‘yung job ng mayor, ‘di ba? You’re really tied to the people. Parang Maga-adjust si Tito Vic kasi he loves his privacy. Ang peaceful ng buhay niya. Baka mahirapan siya kung Mayor. Kung Senator kakayanin niya kasi hindi masyadong magulo at intelligent siya. Kaya niyang aralin ang mga dapat aralin,” sey pa niya.

Ano naman ang reaksyon niya sa pagiging kontrabida ng Mommy Helen niya sa ‘Walang Hanggan’?

“Naaaliw ako. I believe kasi na hindi tayo sanay na makita siyang ganyan dati. ‘Yung viewers sanay na nakikita siyang so kawawa, so sweet e, even her face. Tapos oh, my gosh puwede pa rin siyang magmaldita ng ganyan. Nakikita ‘yung versatility niya,” sey pa niya.

Super enjoy naman daw si Helen sa character niya. Nu’ng i-offer sa kanya ‘yung role, gusto talaga ni Apples na tanggapin ng mommy niya dahil bihira ‘yung ganoon project with Susan Roces.

“Parang blessings ‘yun,e! Grabe 1960’s pa sila and yet hanggang ngayon in demand,” aniya pa.

Anyway, ang Manang’s Chicken ay may mga branches din sa AIC Gold Tower, Garnet Road, Ortigas Center, Pasig Ci- ty; GF One Burgundy Plaza, Katipunan; SM Megamall; SM North EDSA; Glorietta Food Choices; One Archers, Taft Ave. Manila, Unit 2 & 3, Tomas Morato, QC; and President’s Ave., BF Homes, Parañaque.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply