Aksyon ng gobyerno vs sex dens

NAKATATAKOT ang ulat ng Department of Health na ‘di mapigil na paglobo ng kaso ng mga Pinoy na nakakukuha ng sakit na HIV.

Sa kabila ng babala ng mga opisyal ng kagawaran sa dumaraming nahahawa sa ganitong karamdaman, tila baga, ‘di ito alintana ng karamihan.

Dahil kung ito’y binibigyan ng halaga, sana’y ‘di naaalarma ang mga DOH official sa pagbibigay ng babala sa lahat.

Ang gobyerno at kahit sinong Juan at Maria ay magkakaproblema kapag ‘di natin makontrol sa paglago ang sakit na ito.

Kailangang kumilos ang pamahalaan at mag-isip naman tayong lahat para ‘di dumating at ‘di makasalanta sa atin ang kinatatakutang sakit.

Naniniwala ang mga medical expert na ugat ng pagkakakuha ng naturang karamdaman ay ang tinawag nilang ‘unsafe sex’.

Ito yaong pakikipagtalik sa sex workers tulad ng mga nagtatrabaho sa club na sa konting halaga ay nagbebenta ng panandaliang aliw sa mga customer.

Sa mga club kasi, usong-uso ngayon ang mga VIP room kung saan ang mga kuwarto na ito ay ginagamit nang motel.

Imagine mo lang kung ano ang ginagawa ng isang lalaki at babae na pumapasok sa motel, ganon din ang ginagawa ng mga GRO at mga club customer.
Ang mga VIP room ay nag-click sa mga club owner dahil sa ‘di mapigil na bentahan ng laman sa mga bahay-aliwan.

Ang mga club ngayon ay ‘di gaya ng dati na ang VIP rooms ay ginagamit para sa privacy ng isang customer.

Halimbawa, ito ay negosyante na gustong ‘mag-while away’ magpalipas ng oras at ayaw makilala, gumagamit ito ng VIP room.

At noon, ang kuwarto sa VIP ay na-aafford lang ng mga tinatawag na may kaya o sinasabi. Halimbawa’y politiko ka o sikat ka na kayang magbayad sa mahal na halaga ng paggamit sa VIP room. Pero ngayon, dahil puwede nang makipag-sex sa mga club women worker, kahit sino ay puwede nang gumamit nito.

Kaysa naman aantayin mo pa ang babae paglabas nito sa club bago mo ito madala sa motel, sa VIP room sa loob ng club mo na lang gawin ang lahat ng  gusto mo.

Sa totoo lang, ‘di mo alam kung saan lupalop galing ang mga babae. Pero, dahil lasing ka na, ‘di mo maiisip ang iyong sasapitin kapag nakikipagtalik  na sa GROs na may HIV pala.

Ang gobyerno ay dapat maba-hala sa lumolobong kaso ng HIV at dapat itong kumilos para mapigil ang kinatatakutang HIV epidemic. Dapat ay ipagbawal ang VIP rooms sa club na nagagamit sa tinatawag ng DOH na unsafe sex.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply