ALAM umalma sa ‘di pagpasa sa FOI Bill

UMALMA kahapon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap matapos malamang malabo nang maipasa ang Freedom of Information (FOI) bill bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa linggong ito.

Ang FOI Bill ay tinatawag na ngayong People’s Ownership of Government Information (POGI) bill batay sa Senate Bill 3208.

Ani Yap, sa tinagal-tagal nang nakabinbin ng POGI bill, bakit kahapon lang ito inisponsor ni Senator Gringo Honasan.

Suportado naman umano ito ng Philippine Center for Investigative Journalism at Transparency and Accountability Network bukod pa sa maraming senador din ang nagsabing sumusuporta rito.

Nagtataka umano ito kung bakit dapat pa itong dumaan sa plenary debate na kulang na rin sa panahon dahil naubos ang limang buwan sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sa POGI bill, dapat ilabas ang mga dokumento ng gobyerno liban na lang kung may kinalaman ito sa national security at pagresolba sa mga krimen.

Hindi rin mahalaga kung reporter man o hindi ang humihingi nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply