Alaska tinurbo ng Talk n’ Text

UMARIBA ang Talk ‘N Text Tropang Texters para muling magkaroon ng pag-asa nang talunin ang Alaska Aces, 80-72, sa Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup na idinaos  kamakalawa ng gabi sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte.

Tumabo si Paul Harris ng 25 puntos para pangunahan ang Tropang Texters sa second game sa limang asignatura.

Nakatulong ni Harris si Larry Fonacier na may 16 puntos at nagkaloob ng pinagsamang 17 sina Ranidel de Ocampo at Kellie Williams para sa Tropang Texters.

Nagbida sa Alaska si Jason Forte na may 24 puntos habang may 20 na nai-ambag si Mac Baracael, walo si Gabby Espinas at anim si Sonny Thoss. Napigilan ng husto si Cyrus Baguio na nagtala lamang ng limang puntos.

Bagsak sa 1-6 baraha ang Aces upang tuluyan nang masira ang kontensiyon.

Sa katunayan, mainit na sinimulan ng Aces ang laban nang kubrahin nito ang 22-16 kalamangan sa pagtatapos ng unang yugto kung saan nagbida sina Forte, Baguio at Baracael.

Subalit nakabalik sa porma ang Tropang Texters sa mga sumunod na eksena nang magsanib-puwersa sina Williams, Fonacier, Williams at de Ocampo na nagbigay ng three-pointer sa ikawalong minuto ng second quarter para itabla ang iskor sa 25-all.

Isinara ng Tropang Texters ang first half tangan ang 45-35 abante mula sa huling puntos na naitala ni Ali Peek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply