Alay ng Hukbong Dagat, atbp.

NITONG nakaraang mga araw ay naging abala ang inyong Hukbong Dagat sa paghahanda para sa pag-igting ng tag-ulan.

Sa katunayan, Mayo pa lang ay nagkaroon na ng iba’t ibang pagsasanay at inspeksyon ng Disaster Response Task Units ng Navy para rito.

Sa ngayon ay malawak na ang naisagawang paghahanda at ang pakikipag-ugnayan ng Navy sa iba’t ibang sangay ng pama-halaan at non-government organizations para ma-coordinate nang husto ang pagresponde sa mga kalamidad saan mang dako sa bansa.

—ooo—

Subalit hindi lamang sa paghahanda sa kalamidad ang pinagkakaabalahan ng Navy, nagkaroon din ng mga preparasyon para sa pag-dating ng Reyna Sofia ng Espanya sa bansa partikular sa lalawigan ng Albay sa darating na Hulyo 4.

Naging puspusan ang pinagsanib na paghahanda ng Naval Forces Southern Luzon (NFSL), ng lokal na pamahalaan ng Albay, at ng iba’t ibang organisasyon dito.

Ang pagbisita ng Reyna ay ang kauna-unahang pagbisita ng isang royal dignitary sa lalawigan at ito ay kasabay sa pagdalaw niya sa mga proyekto ng Espanya sa Albay tulad ng Evacuation Center, Jose Belmonte Duran Memorial Hospital at Climate Change Academy.

More power sa Commander ng NFSL na si Commodore Abraham F. Celzo, sir.

—ooo—

Sa larangan naman ng talento, idinaos ng Naval Education and Training Command (NETC) sa Zambales ang kanilang ikalawang NETC Idol noong Hunyo 21, 2012 para sa benepisyo ng Child Learning Center nito.

Alay din ng mga taga-NETC ang gabing ito para sa Commander nilang si Rear Admiral Nestor S. Losbañes na nakatakdang magretiro sa Hulyo 13, 2012 – Best Wishes sa’yo, Sir!

Ang paligsahang ito ay bukal ng talento sa pag-awit mula sa mga mag-aaral ng Navy na nagsasanay sa iba’t ibang kurso sa NETC.

Mayroong 10 finalist na napili at nagpamalas ng kani-kanilang husay mula sa daan-daang nangarap na makilahok sa paligsahan.

Nagwagi dito si P/Ensign Joanna Marie R. Goma na kumukuha ng Naval Officers Candi-date Course.

—ooo—

Congrats nga pala sa 120 na bagong recruit ng Navy mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na naka-graduate sa Basic Seaman Course 246 at 247 noong Hunyo 22, 2012 sa NETC – Welcome sa Navy!

As usual, nananawagan ako sa lahat ng mga kapatid na ituloy ang suporta para sa isang malakas at kredableng Navy tungo sa masagana at mapayapang Pilipinas.

Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply