Alex Pagulayan kampeon sa Canadian 8-ball championships

MULI na naman nagdala ng karangalan sa bayan si former World 9-ball champion Alex “The Lion” Pagulayan matapos matumbok ang titulo ng Canadian 8-ball Championships nitong weekend.

Ang Cabagan, Isabela native Pagulayan, isa sa top player ng Puyat Sports ay tinalo si local bet John Morra, 11-7, sa finals para makopo ang coveted crown na ginanap sa Shooter Snooker and Sports Club sa Ontario, Canada.

Una dito, ginapi muna ni Pagulayan si Mario Morra (ama ni John Morra), 9-5, para makapuwersa ng finals match kontra sa young John Morra. Si Pagulayan ay tumapos din ng malakas na ika-3 puwesto sa US Open 10-Ball Championships nitong Mayo 14 hanggang 19 na ginanap sa Riviera Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada. Sina Dennis “Robocop” Orcollo at Francisco “Django” Bustamante ang nag kumpleto naman ng Filipino domination matapos makopo ang ika-1 hanggang ika-2 puwesto ayon sa pagkakasunod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply