Alma Moreno, Pilar Pilapil dinamayan si Dolphy

AYON pa mismo kay Tita Dolor Guevarra, na naka-table namin ni BFFT Pete A., along with Manay Ethel Ramos and her sister Len Llanes and Mario Bautista sa grand presscon ng Lorenzo’s Time na pinagbibidahan ni Zaijan Jaranilla na palabas na sa starting July 2, bumisita na si Alma Moreno sa ex na si Tito Dolphy sa ICU ng Makati Medical Center.

Malalim ang pinagsamahan nina Alma at Pidol na nagbunga pa ng isang Vandolph na may sarili na ring pamilya ngayon, kaya naman nagbigay talaga ng time si Councilor Alma na dalawin ang lalaking naging parte ng kanyang buhay. Hindi man sila nagkakausap ng Hari ng Komedya dahil unconscious pa ito nang dumalaw siya, ang importante ay ipinakita niya ang kanyang concern rito at sa pamilya nito.

Samantala, hindi man nagpunta ng personal si Pilar Pilapil ay tumawag naman siya kay Eric Quizon para ipaabot ang kanyang taos-pusong pagdamay sa nakarelasyon rin noong beteranong komedyante.

Si Lotis Key naman na matagal na panahong nakarelasyon ni Tito Dolphy ay nasa Amerika naman at hindi pa alam ni Tita Dolor kung tumawag naman na ba ito sa pamilya ni Pidol na as of presstime, ayon pa kay Eric, ay medyo um-okey na ang condition ng kanilang daddy at nag-a-undergo na ng dialysis (Stop na muna ang dialysis dahil may bagong complications na naman ang kalagayan ni Tito Dolphy but he’s a lot better as compared to his situation before – Ed).

So far,  maganda ang kondisyon ng kidney ni tito Dolphy pero ang downside ay may bleeding sa loob ng kanyang katawan na inaalam pa kung saan ito nanggagaling. Naniniwala rin si Eric at ang buong pamilya nito na isang malaking milagro ang nangyayari ngayon sa kanilang ama at ito ay dahil sa dasal ng lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya. At dahil rito ay nagkaroon uli ng hope ang buong pamilya na posibleng madugtungan pa ang buhay ng nag-iisa at minamahal nating King of Comedy.

Pangit naman kung ipangalandakan pa naming kasama kami sa mga taong nag-aalay ng prayers for tito Dolphy, pero isa kami roon at sa aming puso ay mananatili siya rito dahil during our struggling days in showbiz, isa siya sa mga unang tao na nagpakita ng pagmamahal at suporta sa amin. I always pray for your fast recovery tito Dolphy. I sincerely love you gyud!

***

Update sa kondisyon ni Tito Dolphy tututukan ng The Buzz

NAKASUBAYBAY ngayon ang publiko sa kalagayan ng Hari ng Komedya na si Tito Dolphy. Kaya naman para mabigyan ng latest update ang kanilang milyun-milyong viewers isa ito sa tinutukan ng The Buzz.

At mamaya mapanonood sa nasabing No.1 Sunday Showbiz Talk Show ng Kapamilya network ang buong pangyayari sa kondisyon ni Tito Dolphy at kung tuluy-tuloy na ba ang pagbuti ng condition nito mula sa Medical Bulletin ng Makati Medical Center at pahayag ng mga doctor nito.

May exclusive interview rin ang The Buzz sa ilang mga anak ng King of Comedy at mga malalapit na artistang nagpakita ng kanilang pagdamay sa itinuturing na institusyon ng ating industriya. Samahan sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga at guest co-host nila sa maramdaming episode ng The Buzz.

Hindi rin palalampasin ng dalawa na pag-usapan mamaya ang ilang mga bagong pasabog na isyu at intriga na tiyak na pagpipiyestahan na naman sa mga tabloid, broadsheet at mga social networking sites.

Sa mga fans ng Asia’s King of Talk na si Kuya Boy Abunda, huwag kayong malulungkot dahil this week lang ninyo hindi mapanonood sa show si Kuya Boy. He will be back next week bitbit ang kanyang mga nakalap na explosive showbiz stories at kuwento ng kanyang trip with his loving Mom Nanay Lising sa Germany. Abangan ang lahat ng ‘yan sa The Buzz na mapapanood tuwing Linggo mula 4:00 ng hapon hanggang 6:30 ng gabi pagkatapos ng LUV U sa ABS-CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply